Matagal ko nang pangarap pasukin ang mundo ng blogging, alam ko kasing magandang paraan ito para maipahayag ko ang aking saloobin. Sa wakas! ngayon nga eto nakapasok na ako sa mundong aking pinapangarap.
Pero di yata't mali ang aking inaakala, ang inaakala kong kalayaan ay isa lang palang malaking kalokohan. Bago ko kasi tuluyang pasukin ang isang madilim na silid hangga't maaari silipin ko muna at aninagin kung ano ang posibleng nasa likod ng pinto. Ginawa ko munang magbasa-basa sa mga blog ng ilang mga kababayan nating sa tingin ko ay medyo mahaba na ang karanasan sa pagsusulat, at para na rin makakuha ako ng punto para sa tamang pagsusulat. Hanggang sa napadpad ako sa isang tila grupo ng mga tinatawag na “Pinoy Bloggers”, iba-iba istilo nila sa pagsusulat, merong mapusok, merong puro katatawanan pero meron namang laman, meron ding katatawanan lang pero tanging tawa lang ang mapapala mo, merong napakahaba ng bawat entry pero walang sustansya kang malalasahan, meron namang malalim at umaapaw sa kaalaman, meron ding tila isang “diary” na nagsasalaysay ng buhay babae. Walang kaso ano man ang paraan ng kanilang istilo, blog nila 'yon malaya silang gawin ang anumang kanilang naisin, sana nga! Kaso gaya ng mabanggit ko sa unahan hindi pala ganun ang nangyayari. Merong ilan na minamanipula nila ng mga dapat lang na maisulat at mga hindi dapat isulat. Maaari nilang pagkaisahan ang sinuman kapag di nila nagustuhan ang kanyang naisulat.
Ngayon inisa-isa ko ring basahin ang bawat site nung mga nagmamanipula, sa pag-asang makakuha ng medyo kongkretong kasagutan sa tanong ko kung baket kailangang gawing siraang personal ang isang blogero na di naman bumanggit ng pangalan nila mismo doon sa isinulat nyang ikinaputok ng butsi nila. Sa aking pananaw pagpatay sa karapatan ang ganung maling gawain. Sabihin na nating may mali ang isang manunulat dapat ba itong siraan sa mundong kanya ring ginagalawan? E kung tutuusin mas may sustansya ang bawat nilalathala nitong taong kanilang ginigipit, mas may mapupulot kang gintong aral sa bawat plato ng kanyang inihahaing sulatin, hindi kagaya ng iba na ang paraan ng pagsusulat ay akala mo isang uhuging musmos.
Isa pa sa napansin ko, gusto nilang humingi ng paumanhin itong kasama natin dahil natapakan daw ang kanilang karapatan, sa tingin ko mali na naman ang ginawa nilang iyon, imbis na hingan nila ng paliwanag kung baket ganun ang kaniyang isinulat paghingi agad ng tawad ang gusto nilang gawin nito. Kung tutuusin sila pa nga itong dapat humingi ng tawad dahil hinusgahan nila ang kanyang entry nang hindi nila nauunawa ang tunay nitong nilalaman.
Ang isa sa ipinuputok ng butsi nila ay “nilahat daw sila”, e mabuti pa si acongtatsulok nakakintindi, akala ko puro kabalbalan lang ang alam nya pero nabasa ko yung kanilang balitaktakan ni dungeon lord, baket nga naman kapag ang pinaguusapan ay gobyerno kahit nilalahat sila pumapalakpak pa tayo, sa kabila ng alam nating di naman lahat ng nasa gobyerno ay puro palpak, pero kapag ang OFW ang natatapakan, halos patayin nila sa mura yung manunulat.
Hindi ako nagmamagaling, ang gusto ko lang gumising ang bawat isa sa atin, matuto tayong lumunok ng matamis at mapaklang gulay para sa ikalulusog ng katawan natin. Hindi porke mapait ang isang gulay ay dapat na natin syang itapon at ipagsigawan sa ating mga kapitbahay na “mapait ang gulay na ito! wag natin syang tangkilikin! hindi sya masarap sa panlasa namin kaya wag nyo rin syang kainin”. Bago natin gawin iyon, suriin sana natin maigi baka naman may sustansyang nagtatago sa likod ng kanyang pait. Wag tayong maghari-harian na kung ano lang ang gusto natin ay syang dapat gawin.
Napansin ko rin na marami rin pa lang sunod-sunuran dito, sunod-sunuran sa pasya ng iilan. Sana wag tayong tila mga “string puppet” na tinatalian at pinagagalaw ng iilan, lalo na doon sa iba na halata namang nakikiuso lang, meron pa akong nabasa di raw sya galit doon sa nai-ban nilang manunulat pero gusto nilang bigyan ng “tsokotaeng nakalagay sa mortar”, imbis na sawayin nung iba nyang mga kagrupo nagtawana pa sila doon sa kanilang mga kumento. tsk! tsk! tsk! Tingnan mo yan diba't malaking kapaimbabawan yan?
Sana wag niyong isipin na kinakalaban ko kayo, sabi nyo lahat tayo may karapatan, eto bagaman bago pa lang ako gusto kong maramdaman yung kalyaan na sinasabi nyo. Wala akong kinakampihan dito sinasabi ko lang yung obserbasyon ko, salamat po.

Gandang hapon sayo pre..Kung nasubaybayan mo ang issue ng tungkol sa OFW, sasabihin mo naghintay kami ng paliwanag galing sa may akda...pero kahit anong comment namin(nabasa mo naman siguro comment ko sa article nya walang halong pagmumura) wala kang reply na makuha bagkus gumawa pa ng isang artikulo at tinawag kaming "daga"...
ReplyDeleteat since nabasa mo rin ang diskusyon namin ni Tonio, sana nabasa mo rin ang pagkakaiba ng Gobyerno at OFW...
Ang isang opinyon pre, may basehan at katotohanan, pero kung itoy walang katotohanan matatawag mo pa bang opinyon ito? Ang kalayaan sa pagsusulat alam ng karamihan yan, pero sana alam mo rin na may kaakibat ng responsibilidad ito...Napansin mong nagalit kami dahil nilahat nya ang OFW, may mga punto syang may katotohanan pre pero sana naisip nyo rin na hindi naman kami lahat ganun sa tulad ng sinasabi nya...
Subukan mong bisitahin to http://blogusvox.blogspot.com/2009/06/responsableng-panunulat-isang-pagsusuri.html yan ay isang pagsusuri lamang sa artikulo na patungkol sa mga OFW, pagsusuri na hindi naghahamon o walang galit sa may akda..
Gaya ng usapan namin ni Tonio(AcongTatsulok), ito ay usapan lamang para malinawan ang isa't isa, di tayo ngtatalo at lalong walang gulo..napansin mo rin siguro na natapos kami ni Tonio na may respeto sa isa't isa gaya nung dati...at sana ganun din dito...hangad lang namin maipaliwanag kung bakit ganun ang naging reaction namin..
Xensya na rin pre, kung ganun naging reaction namin, kasi kami ung tinamaan, buong OFW...kung di ko man naintindihan ung artikulo, sana ganun din ang mga OFW na nakabasa sa artikulo, mapa Maid, Doktor, Analyst, Chemist, o asawa lang ng isang foreigner at meron pang anak lang ng isang OFW...Sana nga naisama ang mga Pinoy para makita rin ang reaksyon nyo..
Sana pagpasensyahan mo kami, kami ang tinamaan at hindi kayo...
Ung murahan, alam mo naman ang issue, kakalat yan sa lahat ng OFW, sa bahay sa tindahan sa mga tambay at kung saan saan..di namin kontrol ang bawat isa, di namin kontrol kung ano mararamdaman ng bawat makakabasa...
Usapan lang to pre, walang pagtatalo...
Gandang hapon muli sayo :)
At wala pong nagpapasunod sa amin, nakita mo naman na nabasa ng karamihan ang artikulo bago sila magreact at sumang ayon sa iba...
ReplyDeleteSana maintindihan nyo rin kung bakit kami nagkaganun...pero tinapos na namin at makikita mo sa pahina ko...pero di ko makokontrol ung iba kung galit pa rin sila..sa akin dumaan na yun, at magpapaliwanag na lang ako kung meron di makakaintindi sa akin...
Salamat sa post na to pre :)
@Lord CM
ReplyDeletesa tingin ko hindi naman dapat palakihin ang isyu dun sa blog na 'tsokolate'. karapatan ng may akda ang malayang ipahayag nya ang kanyang saloobin. hindi naman sinabi dun na masama ang maging ofw. inilarawan lang nya ang katotohanan na majority ng tao dito sa pinas ang gustong mag trabaho sa ibang bansa at ang kapalit ay ang pag lunok ng kanyang pride dahil dito sa pinas ay mataas ang pinag aralan nila. alam naman natin na hindi kayang kumita ng malaki dito kaya ganun na lang sakripisyo ng mga ofw. yun talaga ang katotohanan na, na kahit murahin at laitin ng mga racists na dayuhan ay tinatanggap na lang natin. pra sa akin pessimistic ang blog na 'tsokolate' pero hindi naman dapat ito maka-apekto sa mga buhay ng mga ofw. peace!
matanong ko lang kaibigan, may personal ba kayong galit kay mike avenue? para kasing lahat ng isinusulat nya pilit nyong ipinatutungkol sa sarili nyo, para ba magkaroon kayo ng dahilan na i-ban ang blog site nya at igapos ang kalayaan nyang magsulat? yung tungkol sa daga, para iyon doon sa mga lumait at nagmura sa kanya. baket kailangan nyong akuin na kayo ang tinutukoy doon? para nga ba palabasin na inaapi nya kayo?
ReplyDeletetungkol naman sa basehan, sabi nga ni acongtatsulok at alam naman nating lahat na totoo iyon, marami tayong mga kababayan ang ginagahasa at minsan humahantong pa sa pagpatay sa kanila ng amo nila, kulang pa bang basehan iyon? ang mahirap kasi sa atin ang gusto lang yata natin e iyong inuuto tayo, gusto lang nating marinig iyong mabango sa panlasa natin at kung medyo mahirap nang lunukin ay ayaw na nating tanggapin. at kung may maglakas ng loob na magsulat ng di pabor para sa atin ay pagkakaisahan natin siyang siraan sa mundong kanya ring ginagalawan. kung nagawa nyo ngang magkaisang sabay-sabay na maglathala ng "OFW manifesto" baket di nyo mapagkaisahang wag na syang batuhin ng masasakit na salita? ...siguro dahil may galit nga kayo sa loob nyo.
tungkol naman sa pagkakaiba ng OFW at politiko, oo magkaibang magkaiba ang estado nila, pero karapatan ang pinaguusapan dito, kaya ibabalik ko ang tanong sa iyo, dapat bang may pagkakaiba sa karapatan ang OFW at ang mga nasa politika?
doon naman sa huli mong comment, naiintindihan ko kung baket kayo nagkaganun, nagreact kayo sa isang lathalain na di nyo naman talaga naiintindihan ang tunay na nilalaman na humantong sa pagba-ban nyo sa kanyang mga pahina, sa tingin ko mali ang ganun.
kaibigan salamat sa pagtitiyaga mong makinig sa akin, di ko nais na makipagbangayan sa inyo, hangad ko lang ang kalayaan ng lahat sa pagsusulat.
salamat sa pagsubaybay mo sa akin bukayo.
ReplyDeletenasasakyan ko ang ibig mong iparating... minsan na akong nagsalita, ayoko ko nang magsalita pa uli ng mahaba baka kung ano pa ang isipin sa akin ng ng mga di nakakaunawa. tutal nakuha ko na yung sagot sa mga tanong ko. nakapa ko na rin yung sa tingin ko ay may pagkakamali, pero ayokong sabihin kong sino, dahil kung may karapatan tayong sabihin kung ano gusto natin may karapatan din tayong manahimik para sa kapayapaan ng munti nating paraiso. sana nga umiral ang tunay na kalayaan.
gusto ko sanang mag-follow sa site mo bukayo, sana maglagay ka ng follower. salamat! happy blogging!
there were no puppet strings...
ReplyDeletewalang nagpagalaw..walang nagmanipula...
kugn anu man ang pagkakaisang naganap ay hindi dahil sa pagmamanipula ng kung sino..nangyari ang nasabing pagkakaisang yun dahil yun ang paniniwala nila.. yun ang nararamdaman nila.. sa lahat ng mga taong nakiisa, masasabi ko na wala ni isa man ang sabihin natin na nagpadala sa agos at nakisunod na lang... ginawa nila yun dahil yun ang naiisip nilang tama..
tulad din ng paulit-ulit na sinasabi ko, maari nyang ihayag ang lahat ng nararamdaman nya.. kung ano man ang gusto nyang sabihin, maari nya yun ilabas.. opinyon nya yun.. paniniwala nya yun.. at isa pa, pahina nya yun.. PERO.. kahit na sabihin mong pahina nya yun na teritoryo nya yun, nararapat pa rin na isipin nya kung may matatamaan syang tao sa bawat salitang kanyang bibitawan.. ang pagsusulat at may kaakibat na responsibilidad at respeto.. kapag nagdesisyon ang isang tao na pumasok sa mundo ng blogging, binigyan mo na ng lisensya ang mga tao na umiikot sa internet para mabasa ang kung anu mang sinusulat mo.. you are therefore aware na maraming tao.. (in all walks of life) ang nakakabasa nito.. so dapat alam mo ang responsibilidad mo sa kapwa tao mo..
napadaan lang ako...
Pagpasensyahan nyo na kung di namin naintindihan ung artikulo..nasabi ko na ung side ko at andun sa pahina ko ung usapan namin ni tonio...tulad ng request ni tonio, tinigil ko na kung ano man ung mapagtatalunan...
ReplyDeletePagpasensyahan mo na kaibigan...
Palagay ko ang mga taong nagtatago at nagbabalatkayo ay magbigay ng maayos na profile info bago magsalita ng ganito sa blogosperyo.
ReplyDeletenakakahiyang may mga taong ang lakas ng apog magsalita at magsabi ng obserbasyon kuno pero nagtatago pala...
Pasensya na rin sa mga anonymous na nagmura, kung sakali man di na namin kontrol yun...galit nila yun, di namin hawak buong OFW...
ReplyDeleteLumalaban kami ng nakadisplay ang mukha namin, di gaya ng iba na cartoons ang mukha sa profile...
Sensya na uli kaibigan...
Balik ako para makipagpalitan ng kuro kuro pero hindi na tungkol sa issue ng OFW...
Add kita bukas pre, busy ngayon eh :)
tama si lord parekoy, tapos naman na ang lahat, kung anu man ang pagkakabasa mo sa mga nangyari baka pwedeng sarilinin na lang natin para sa ikapapayapa ng lahat.
ReplyDeletegaya nga ng sinabi ko sa comment ko kay lord tutal pare-pareho naman tayong mga pinoy e palampasin na lang natin kung meron mang maliit na di pagkakaunawaan.
Add na pala kita parekoy, salamat sa diskusyon...di natin laban to, pero kung gusto mo pa, eh okey lang ako lolzzz
ReplyDeleteSana mukha mo rin ang ilagay mo sa profile para mas makatotohanan ang pagpapahayag at hindi parang nahihiya kang makilala dahil sa iyong pagsusulat, sabi mo nga kalayaan sa pagsusulat...wag mo lang kalimutang may limitasyon ang kalayaan...
di ka pwede basta basta na lang tatae sa restaurant na maraming tao kahit sabihin mo malaya ka...
Kaya tuloy tuloy ang pagsusulat parekoy :)
yanah
ReplyDelete-salamat sa iyong kumento.
Mr. Thoughtskoto
-maraming salamat din sa iyong kumento. ngayon alam ko na kung baket nagkakagulo ang malayang mundo ng blogging. imbis kasi na ang topic ang sagutin o pagusapan e galit nya ang iniisip. pero sa tingin ko mas nakakahiya yung di makaunawa ng isang simpleng lathalain. siguro mas maniniwala ako sayo kung sasagutin mo na lang iyong mga tanong ko kay lord.
lord
-salamat sa iyong panahon sa pagsagot sa mga naging obserbasyon ko. di siguro mahalaga kung anong avatar ang gamitin ko tutal kalayaan naman ang pinaguusapan natin dito.
tonio
-kung nakisakay lamang si rizal sa mga mananakop na kastila at hindi kumibo sa kanilang paninikil palagay ko hanggang ngayon alipin pa rin nila tayo.